Amazon cover image
Image from Amazon.com

Muling nanghaharana and dapithapon : Imus novel 5 / maikling nobela ni RM Topacio-Aplaon.

By: Material type: TextTextPublication details: Quezon City, UP Press, c2018Description: 137 pages ; 23 cmISBN:
  • 9789715428736
Subject(s): LOC classification:
  • PN 3448 .T67 2018
Summary: Ang pagsisimula ng pagkukuwento ay ang pagbabalik sa mga naiwang gunita. Sa pagitan ng nasusunog na mga manuskrito ay magtatagpo ang dalawang taong may niyayakap na sariling paniniwala tungkol sa pagsusulat: Isang nagdududa kung talaga bang para sa kaniya ang sining na ’to, at isang nagsasabing tinalikuran siya nito. Ang nobelista’t ang makata, isang gustong makalimot at isang gustong umahon, sa loob ng isang pambihira at maiksing pagkakataon. Kung titingnan, ’to ay isang mabusising pagmamapa ng buhay ng nobelista bago talikuran ang mga nilikhang obra, isang pangmatagalang pagsisid sa lumipas at mabilisang pagtalakay sa panandaliang ngayon. Silipin ang lahat mula sa mga mata ng walang-pangalang tagapagsalaysay—dating makata at habambuhay na anak, babae, ina—na pansamantalang isasantabi ang sarili para subukang makabalik sa pagsusulat, isang bagay na pinaniniwalaan niyang nagligtas sa kaniya noon. Sa kabuuan, maaari ’tong makita bilang ’sang mapagkumbabang bukas na liham para sa isang nagsisimulang manunulat o sa kung sinumang naniniwalang ipinanganak siya para magsulat at magk’wento, gaano man kaabstrakto’t kaabsurdo ang palagay na ’to. Sa huli, ang maiksing nobelang ’to ay tungkol sa pagsusulat, sa literatura, at wala nang iba pa. Ang Muling Nanghaharana ang Dapithapon ay ika-lima sa pitong nobelang bumubuo sa Imus Novels. Ang pangatlo at sentro ng unibersong ito, ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam, ay nauna nang nailathala ng The University of the Philippines Press noong 2015.
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Materials specified Status Date due Barcode
Books Books NU Clark Filipiniana Non-fiction FIL PN 3448 .T67 2018 (Browse shelf(Opens below)) Available NUCLA000000618

Ang pagsisimula ng pagkukuwento ay ang pagbabalik sa mga naiwang gunita.

Sa pagitan ng nasusunog na mga manuskrito ay magtatagpo ang dalawang taong may niyayakap na sariling paniniwala tungkol sa pagsusulat: Isang nagdududa kung talaga bang para sa kaniya ang sining na ’to, at isang nagsasabing tinalikuran siya nito. Ang nobelista’t ang makata, isang gustong makalimot at isang gustong umahon, sa loob ng isang pambihira at maiksing pagkakataon.

Kung titingnan, ’to ay isang mabusising pagmamapa ng buhay ng nobelista bago talikuran ang mga nilikhang obra, isang pangmatagalang pagsisid sa lumipas at mabilisang pagtalakay sa panandaliang ngayon. Silipin ang lahat mula sa mga mata ng walang-pangalang tagapagsalaysay—dating makata at habambuhay na anak, babae, ina—na pansamantalang isasantabi ang sarili para subukang makabalik sa pagsusulat, isang bagay na pinaniniwalaan niyang nagligtas sa kaniya noon. Sa kabuuan, maaari ’tong makita bilang ’sang mapagkumbabang bukas na liham para sa isang nagsisimulang manunulat o sa kung sinumang naniniwalang ipinanganak siya para magsulat at magk’wento, gaano man kaabstrakto’t kaabsurdo ang palagay na ’to.

Sa huli, ang maiksing nobelang ’to ay tungkol sa pagsusulat, sa literatura, at wala nang iba pa.

Ang Muling Nanghaharana ang Dapithapon ay ika-lima sa pitong nobelang bumubuo sa Imus Novels. Ang pangatlo at sentro ng unibersong ito, ang Lila ang Kulay ng Pamamaalam, ay nauna nang nailathala ng The University of the Philippines Press noong 2015.

There are no comments on this title.

to post a comment.

© 2024 NU LRC CLARK. All rights reserved. Privacy Policy I Powered by: KOHA