Amazon cover image
Image from Amazon.com

Lugaw ni Leni Pink Parol, KKK KAkampink Atbp / Virgilio s. Almario ; Aldrin Pentero

Contributor(s): Material type: TextTextPublication details: [ Place of publication not identified ] : San Anselmo Press, c2022Description: xxiii, 196 pages : illustrations (some color) 21 cmISBN:
  • 9786218230170
Subject(s): LOC classification:
  • FIL DS 686.616 .A46 2022
Summary: "Kagila-gilalas ang pag-imbulog ni Leni bilang "bagong lider" at ang paglaganap ng kaniyang kilusang boluntaryo sa buong kapuluan, isang kilusang maiwawangki sa biglang pagbulas ng kilusang Katipunero noong 1896 at ng kilusang naging People Power noong 1986. Ito ang nais kong isalaysay sa librong ito. Upang higit na maging dramatiko ang pagtatanghal, ang mga akda at likhang biswal sa antolohiyang ito ay pinangkat ko sa dalawang kabanata. Ang Unang Kabanata ay paglalantad sa estado ng korupsiyong panlipunan at pampolitika sa Filipinas. Mula sa naturang krisis ay isisiwalat naman ng Ikalawang Kabanata ang nagaganap na paggising ng mga sektor ng lipunan tungo sa paghanap ng bagong pangulo at bagong gobyerno. Ninais kong magtipon laman ng mga tula. Subalit radikal na nabago ang aking plano dahil sa naganap at nagaganap na rebolusyong pangkultura kaugnay ng eleksiyon. Isinilang ang Kakampink nito lamang bago dumatal ang 2022. Ang dagsa ng pakikiisa sa kampanya ni Leni ay tumanghal sa nagsisikip-sa-tao na mga panimulang rali sa Lungsod Naga at Lungsod Quezon. Dumagsa din ang mga pagpapahayag ng taguyod mula sa mga sektor ng edukador, relihiyoso, at mga politiko. Tinawag ang kilusan na Himagsikang Rosas-- na para sa aking titig ay pagkilala sa halaga ng pagbabagong pangkultura at sa tungkulin ng mga alagad ng sining upang "ipanalo ang Laban ni Leni."
Tags from this library: No tags from this library for this title. Log in to add tags.
Star ratings
    Average rating: 0.0 (0 votes)
Holdings
Item type Current library Collection Call number Materials specified Status Date due Barcode
Books Books NU Clark Filipiniana Non-fiction FIL DS 686.616 .A46 2022 (Browse shelf(Opens below)) Available NUCLA000000987

"Kagila-gilalas ang pag-imbulog ni Leni bilang "bagong lider" at ang paglaganap ng kaniyang kilusang boluntaryo sa buong kapuluan, isang kilusang maiwawangki sa biglang pagbulas ng kilusang Katipunero noong 1896 at ng kilusang naging People Power noong 1986.

Ito ang nais kong isalaysay sa librong ito. Upang higit na maging dramatiko ang pagtatanghal, ang mga akda at likhang biswal sa antolohiyang ito ay pinangkat ko sa dalawang kabanata. Ang Unang Kabanata ay paglalantad sa estado ng korupsiyong panlipunan at pampolitika sa Filipinas. Mula sa naturang krisis ay isisiwalat naman ng Ikalawang Kabanata ang nagaganap na paggising ng mga sektor ng lipunan tungo sa paghanap ng bagong pangulo at bagong gobyerno.

Ninais kong magtipon laman ng mga tula. Subalit radikal na nabago ang aking plano dahil sa naganap at nagaganap na rebolusyong pangkultura kaugnay ng eleksiyon. Isinilang ang Kakampink nito lamang bago dumatal ang 2022. Ang dagsa ng pakikiisa sa kampanya ni Leni ay tumanghal sa nagsisikip-sa-tao na mga panimulang rali sa Lungsod Naga at Lungsod Quezon. Dumagsa din ang mga pagpapahayag ng taguyod mula sa mga sektor ng edukador, relihiyoso, at mga politiko. Tinawag ang kilusan na Himagsikang Rosas-- na para sa aking titig ay pagkilala sa halaga ng pagbabagong pangkultura at sa tungkulin ng mga alagad ng sining upang "ipanalo ang Laban ni Leni."

There are no comments on this title.

to post a comment.

© 2024 NU LRC CLARK. All rights reserved. Privacy Policy I Powered by: KOHA